Sabado, Mayo 7, 2016

Si Duterte, ang Mindanao, at ang Nasyonalismo

Habang isinusulat ko ito'y nagpapahinga na ang pagal kong katawan mula sa pagdalo sa huling pagsasama-sama ng mga sumusuporta sa kandidatura ng alkalde ng lungsod ng Davao na si Rodrigo Duterte, ang pinakakontrobersiyal na tumatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas para sa Halalan 2016. Oo, isa rin ako sa mahigit 600,000 katawang-lupang piniling tumungo sa pambansang parke sa Luneta sa halip na itulog ko na lang ang nalalabing bahagi ng Sabado upang makabawi sa antok mula sa panggabing shift sa trabaho. Pinili kong maging bahagi ng isang kasaysayang alam kong tatatak sa pambansang kamalayan ng bawat isa sa aming mga dumalo.

Aaminin ko, mahigit dalawang buwan ang nakalilipas, isa pa lamang ako sa mga undecided voter at observer o taga-abang lamang ng mga pangyayari sa mundo ng pulitika at ng mga tumatakbo sa iba't ibang posisyon, lalo na sa paligsahang pampanguluhan. Hindi ako well-opinionated pagdating sa usaping ito dahil naniniwala akong ang pag-usapan ang dalawang pinakamapanganib na paksa sa mundo (pulitika at relihiyon) ay magdudulot lamang ng di-mabuting bunga sa relasyon mo sa iyong kapwa. Sa totoo lamang ay may mga kaibigan ako sa social media lalo na sa Facebook ang in-unfollow ko (hindi naman unfriend, OA na yun) dahil sa kanilang ipinapaskil na mga pahayag na para sa aki'y nakapagbibigay lamang ng stress at hindi nakatutulong sa araw-araw kong pagharap sa mundo.

Subalit sa kalagitnaan ng Abril, habang ako'y naghahanap ng iba't ibang mga videos sa YouTube, may isang panayam ni Mayor Duterte kung saan isa sa binitiwan niyang pahayag kung bakit siya tumakbo sa halip na manatili na lamang bilang alkalde ng lungsod ng Davao ang biglang tumama at tumimo sa aking puso at isip. Tinanong siya kung anong dahilan at tatakbo siya para sa pinakamataas na posisyon ng bayang ito, na sinagot niya ng "I want to run simply because I love this country, and I love the Filipino people." Kung tutuusi'y napakapayak lamang ng pahayag na iyon, subalit habang sinasabi niya iyon ay makikita mo ang kanyang sinseridad at kaseryosohan sa parehong pagkakataon - isang pahayag na nagbigay-daan sa akin upang muling magising ang isang diwang halos nakalimutan ko nang maramdaman, isang kaisipang halos corny, pampaaralan, o teoretikal na lamang ang turing ng mga Pilipino sa makabagong panahon - ang diwang nasyonalismo.

Dahil sa naramdaman kong iyon ay ito ang naging unang hakbang upang saliksikin ang mga dating videos niya at balikan ko ang mga una niyang panayam - lalo na sa panahong wala pang nag-iisip na siya'y magiging frontrunner ng kahit anong balidong surveys sa pagiging presidente. Sa mga interviews niya, siya lamang ang bukod-tanging nagtuturo sa atin na balikan ang kasaysayan kung bakit patuloy pa rin ang hidwaan at mga sigalot sa Mindanao - pabalik hanggang 1521, kung kailan unang sumadsad ang barkong pang-ekspedisyon ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas; kung saan sa panahong iyon ay nakapagtatag na ang mga Pilipinong Muslim ng kanilang mga panahanan o settlement, at may sistema na ng gobyernong sinusunod sa pamamagitan ng pamahalaang sultanato. Nawasak ang mga ito sa pagdating ng mga Kastila at pinilit ang mga Muslim na magpa-convert patungo sa Katolisismo, na nagbunga ng ilang siglong hidwaan sa pagitan ng Krus at Buwan. Mula noon hanggang sa kontemporaryong panahon, nananatili ang mga taga-Mindanao na nabubuhay sa karahasan dahil sa tunggalian sa paniniwalang panrelihiyon at pampulitika.

Bilang panatiko ng pag-aaral ng kasaysayan, lalo kong hinahangaan ang isang taong alam iugnay ang nakaraan patungo sa dahilan kung bakit tayo umabot sa ganitong estado. Sa ganang akin, hindi kailanman maiintindihan ng isang taga-Maynila o taga-Luzon ang nararanasang kahirapan at karahasan sa Mindanao na bunga ng isang kasaysayang pilit na iniiwas ng tingin o di-pinakikinggan ng mga iilang nasa kapangyarihan na ang turing sa lahat ng mga nanlalaban ay mga terorista nang walang pag-uuri - mapa-MNLF, MILF, o CPP-NPA man - lahat sila'y iisa lamang sa mata ng gobyernong nasa itaas na katawan lamang ng Pilipinas ang tuon. Tanging isang taga-Mindanao rin ang kayang umunawa sa kanyang kapwa Mindanaoan.

Sa aking pagdalo sa Luneta ay lalo akong napahanga ng butihing alkalde sa kanyang ideolohiya. Inaamin niyang makakaliwa siya, subalit hindi sa puntong nais niyang magkaroon ng martial law, maging komunista ang bansa, o magkaroon ng kudeta sa lahat ng lugar - mga bagay na siya mismo'y hindi niya pinaniniwalaan. Patuloy niyang ipinagdiriinan ang paniniwalang iisang bansa tayo, at dapat ay magkaroon ng mga pagpupulong kasama ang iba't ibang pinuno ng mga rebelde ng pamahalaan upang matamasa na ng bansa ang pangmatagalang kapayapaan, lalo na sa Mindanao. Isa pa sa kanyang mga prinsipyo ay ang pagpapalit ng uri ng pamahalaan patungo sa pederalismo - isang gobyernong ako rin mismo mula nang natuto ng kasaysayan ay nakikitang solusyon ito sa modernong panahon upang mapamahalaan nang maayos ang bansa at ang bawat rehiyon nito.

Habang itinitipa ko ang mga pangungusap na ito'y tapos na ang kampanya ng lahat ng mga nagnanais pamunuan ang ating bansa, ipinatutupad na ang liquor ban, at karamihan ay nagdarasal na sana'y maging malinis, matapat at vox populi ang resulta ng parating na halalan. Sa huli'y nais kong magpasalamat sa butihing mayor dahil muli niyang ipinaalala sa akin at sa lahat ng mga naniniwala sa kanya - sa pamamagitan ng palagian niyang paghalik sa watawat ng Pilipinas - na ako ay Pilipino, at mahal ko ang bansang Pilipinas.

Rodrigo Duterte, the 16th President of the Republic of the Philippines.


Sabado, Agosto 10, 2013

The Art of Translation (as a Fan!)

As Filipinos, we know (and I hope that we still care) that August is National Language Month (or in our native tongue: Buwan ng Wika). To celebrate and to commemorate at the same time our appreciation of the Inang Wika (Mother Tongue), most of the schools usually hold activities such as Sabayang Pagbigkas (Group Oration) or Dula-Dulaan (Role Playing) in which the national language (be it called Tagalog, Pilipino, Filipino) is mainly used in performances. Some of the radio programs who mainly use English as their medium of conversation try to set a day of their program just to talk in Filipino (I heard one, and it's so funny, but I salute them in being proud of our identity).

And I, as an ordinary citizen (and now a blogger), am very proud of Filipino language too. I love learning different languages, but using Filipino makes me proud of who I am. So to help our country propagate further the use of Filipino in this modern era where English is everywhere (including this blog post), I decided to do one of the hobbies I love the most - and that is doing translation from English to Filipino and vice-versa. And my victim article is a Wikipedia post that is currently close to my heart - the article of the most popular English-Irish pop boy band today, One Direction.

Screenshot of the 1D article that I translated from its original English post.
When I first made up my mind to translate the 1D (popular nickname for One Direction) Wiki article, I thought this would be chicken (I mean, easy), because I already had a non-professional experience in translating a book chapter in Asian History during my high school days. But when I pulled out the content and started typing automatically the words popping out of my mind, I started getting puzzled and even I amazed myself because one, I know a lot, and second, I still don't know a lot. I know a lot in a way that I can put into words the Filipino equivalent of English sentences in just a second or two. However, I'm still an amateur when doing translation, because though I know the meaning of a certain word, phrase or sentence, translating it becomes hard because there are no Filipino equivalent words of those words. This actually makes me further realise that our national language is lacking terms, especially those that are technical and cybernetic in nature. But when it comes to the thoughts and ideas, our language is enough to translate those lines. And actually, it becomes clearer and more descriptive when translated to Filipino.

Some of the challenges I faced when doing the translation were the use of active (karaniwan) and passive (di-karaniwan) voices in sentences, terms that are specific to the subject or genre such as "electropop" or "guitar riff," and even commentaries that are too new to me such as "perfectly coiffed dos" or "almost-too-put-together preppy style." But the great thing I got from this was that by translating a foreign material to your language, you get to know the topic deeper, and every single detail of the material should be interpreted in a way it is understood in the original language. I can still remember the book that I read during my high school days about the art of translation. It was said there that "ang pagsasaling-wika ay parang paglilipat ng kaluluwa ng isang patay sa isa pang katawan" (language translation is like transferring a dead's soul to another one's body). Perhaps it was said so because there are lots of things to consider when making any translation. You shouldn't just be good in Tagalog and English languages itself, but also you're familiar with the culture surrounding those languages.

Now basically, since I am a fan of the lads (considering that I am too old to be a fan of any teen groups), I really gave myself a push just to contribute to the Tagalog section of Wikipedia, because I noticed that there are still few articles available on this very informative site. Most of the stuff are still written in English and also other major languages such as Spanish or French. Even the Bahasa Indonesia has a lot of Wiki articles about almost anything and everything! So I asked myself, why not use my skills to help the Tagalog section grow? This is actually a great step to share what I know, and who knows, this might also convince other Filipinos to join Wiki and contribute in expanding the Tagalog section. And I don't worry if I get wrong with some of my translation, because the community will notice those lines and help me correct or revise those. It's a win-win case, because you learned something new, and of course they already contributed something to the community. Perfect scenario!

So, if you want to check the product of my work, you may check my One Direction in Tagalog Wiki: http://tl.wikipedia.org/wiki/One_Direction. I hope through this, many will be encouraged too to be part of the translating team and help Tagalog Wiki to expand. To those who accept the challenge, good luck! :)